Pages

Friday, June 10, 2011

bilang na ang araw mo!

tama na muna yung biro.
sa totoo lang binibilang ko na ang pag sapit ng septyembre.
dahil ang araw na yun ay ang aking kaarawan.
naalala ko, 14 lang ako nuon. batang bata pa.
yan ang pinaka memorable sakin. ang ang pinaka paboritong parte
ng buhay ko. ang pagiging katorse edad ko.
pero yung sumapit ang 15, 16, 17, 18.
ibang buhay na ang naranasan ko.
pero kung tutuusin masaya nmn talga ako. spoiled ke mama.
(spoiled sa pa 30php minsan sa 3 linggo. at lalo na
sa pagiging tamad.)
swerte din dahil biniyayaan ng ala raver cruz/jason abalos na mukha.
pero may kulang talaga.
hindi ko alam kung anu yung kulang na iyon! basta may kulang!
kaya nung nasa edad 15  ako nuon,
pag tinatanong ako kung anung edad ko, i kukumpyot ko pa.
kasi hindi ko feel ang pagka 15 ko. lalo na yung 16, 17 at ngaung 18 na ako.
isip bata kasi ako. 

madalas nilang tanungin ang edad ko nuon dahil sa laki ko.
mataas kasi ang height ko. 16 pa lang ako ang heigt ko na ay nasa 5'8
ngayun e 5'9 na ata.
kaya pag sinasabi ko nuon ang edad ko e nagugulat sila.

naalala ko nuon 8-14 ako pag tinatanong ang edad ko
kabisadong kabisado ko e, hindi ko na kaylangan i compute pa.
(haiiiiiiiisssssssssst!! gusto kong maging bata ule. gusto kung balikan iyon!)
pero truth hurts! -__-

lagi kong sinasabi sa sarili ko na-
"magbabago na po ako. magiging matured na po"

pero hindi ko talaga magawa e. mahirap e.

kaya nga sa edad kong ito? wala akong masyadong kaibigan, (kunti lang, mga nsa 15?)
at wala rin BEST FRIEND, KA KOSA, KA INUMAN,
KA-KALOKOHAN.
pero hindi ko nmn hanap yun, kasi kontento ako sa piling
ng aking mga pamilya, kapatid, pinsan.
para kaming mag kakaibgan, magkakatropa.

pero kahit papanu nag karoon nmn ako ng mga ka love team.
nung grade 5 ako. (si jaquilyn) at (si ruth)
grade 6, (jasmin) at (si shana)
(chickboy ako e! pede sa girl! pede sa boy haha!)

e ang highschool?
(nxt time ko na lang ikwento)

sa CHAT nmn (si DARING) code name nya lang. hindi ko alam
ang real name nya. sa MP3-CODES ko pa nga saya nakilala e.
sugar mommy ang tawag ng mga nakakakilala sa akin sa computer shop
ng pinsan ko. kasi nga nsa 25 years old nun si DARING at ako ay nsa
16 taong gulang lang!
malamang sugar mommy ko sya. may anak na rin kasi sya.
darling pa nga ang tawagan namin e. (marami nag sasabi korny daw)
pero? bigla na lang din kami nag laho sa isat isa.

tapos yung sumunod, nung
17 ako, txt clan naman. si (nuyme)
ang babaeng rakista!
(yan ang mga type ko ngayun, mga ROKISTA CHIQ, FEELING METAL KASI AKO)
sakanya ko naranasan ang unang halik. hindi lang halik, kundi LAPLAP! kung tutuusin hindi nmn sya kagandahan. (pero hindi rin kapangitan, may taste nmn ako kahit papanu!)
pero natipuhan ko parin sya. kasi nga txt lang e.
madalas kaming asarin sa (ILALIM NG PUNO)
dun kasi naganap yun. 
masyado syang wild (yun ang gusto ko sa babae, hayuk!)
muntik ng may mangyari samin duon sa puno na un.
pero wala rin ng yari. kasi nga nakita kami ng mga ka clanmates namin
na nag lalampungan dun. gustuhin ko man ipag patuloy, hindi na namin nagawa.
(mas matanda din si nuyme sakin. nsa 19 sya)
kung i momotel ko nmn? wala akong kaalam alam dun. at wala nmn akong pera.
hindi nmn kasi ako magastos. 

kaya pag sumapit na ako sa kaarawan ko,
magiging 19 na ako. at sasabihin ko sa sarili ko-

"ISISILANG KA ULI, BAGONG BUHAY, BAGONG UGALI,
HINDI KA NA BATA, MATANDA KANA!"

kaya sinusulit ko na ang mga araw na ito.
dahil pag sumapit na ang SETYEMBRE
(ibang POTPOT na ang makikilala nila)

sad emoticons Pictures, Images and Photos


-hmp! drama! balik na nga sa dating anyo!
(super BONJING TEKNIK)

tadaaaaaah!! hello po kamusta po kayu? penge po kendi at laruan di
kotse kotse pati baril barilan :)

0 comments:

Post a Comment

KAIBIGAN! COMMENT MO, POST MO!