Pages

Thursday, June 23, 2011

kung ako si JOSE RIZAL?

bumida talaga si rizal kamakaylan lang, bidang bida sa fb, twitter, blogspot, tumbler at kung anu anu
pang kalandiang site!
pilipino ako pero wala akong kaalam alam tungkol kay jose rizal, (unti lang nmn kahit papano)
kanya kanya ang trip ng mga mokong, may mga gumawa pa ng video handog para sa ating
pambansang bayani, may mga nag art work (lulufet nga e)
at kung anu anu pang ka anek nekan.

nung kamakaylang lang (Tuesday 21, 2011)
tinanong kame ni mam tenorio na malufet na tanong.
ang sabi nya,

mam sungit: bakit walang pasok nung monday?
(kame nmn walang imik, natatakot sumagot at baka kasi mali ang maisagot)
pero ang iba hindi matiis mag papansin, ang sabi

tao1: mam! BIRTHDAY NI RIZAL!
tao2: hindi! araw ng kamatayan ni rizal!
tao3: ARAW NG LUMADLAD SI RIZAL!
(halo halo ang mga sagot)
halo halo ang mgasagot, kaya na bwisit si mam sungit (tenorio)
pinaulanan nya kame ng laway, damay damay lahat pati ako.
tindi nga e! kulang na lang 3D glass. para ka ng nasa IMAX!

mam sungit: MGA TARANDO'T HALIPAROT! MGA HINAYUPAK!
KUNG HINDI ALAM ANG ISASAGOT ABAY WAG NG SUMABAT!
TARANTADOOO!!

syempre natahimik ang lahat. walang naka imik. si mam sungit ba nmn ang pumutsada akala mo
may hawak na itak na at kakatayin ka na e.

mam sungit: o eto na lang, kung kayo si rizal? mas pipiliin nyu bang mamatay para sa bayan o mabuhay?

tindi ng question ni mam. parang pang ms.universe lang e.

tao4: mam anu yang kalokohan na yan? past is past MAM!
tao5: si mam hindi maka get over! palibhasa may nakaraan sila ni rizal!
ayiyiyi lovers!!
(dedma lang si mam. nag hahanap kasi ng mukhang matinong tao na makakasagot.)

e may mga kaklase kaming mga beki, sabat nmn sila kahit hindi tinanong,
bidang bida sila sa question and answer ni mam sungit.

beki: ah mam, in major major way, i will choose to live na lang.
syempre dagdag booking na rin. mataste ko pa ang mga lumang tao!
lalo na ang mga kapwa bayani ko! haha
(tawanan kame)

kunot ang nuo ni mam sungit, hindi natuwa sa biro ng bakla!
ang ginawa ni mam e inisa isa kameng pinasagot.

at ng ako na ang  sumagot ko kay mam.

ako: mas pipiliin ko pang mabuhay mam! sa ayaw't sa gusto mo.
mag papadami ako ng lahit. mambubuntis ako ng madaming babae hindi dahil
malibog ako. para maraming JOSE RIZAL na tulad ko ang isisilang at syempre
DUGONG DUGO KO PA! ANAK!
at dahil dyan, marami pa akong librong maisusulat laban sa mga kalaban.
(sino ba kalaban nya? spanyol or kastila? BOTH?)

at kung nabubuhay pa ako, malamang! magiging inspirasyon ako ng
mga kabataan sa aking mga librong sinulat. mam! all over the world yan.
best seller lagi ang mga libro ko.
trending pa ako sa twitter, 
at lagi ako ang pinag uusapan! at malamang, mam?

baka presidente na ako nyan!

- walang imik si mam, ang sabi nya
bibigyan daw nya ng score 1 - 5, ang
1 e lowest, ang 5 e higher. tinanong ko
kung anung score ko, tinarayan lang ako
amf! ang sabi pa,

mam sungit: taray, pang ms.universe ang sagot! UMUPO KA!! 


1 comments:

hana said...

LOLs ..ang lufet ng teacher nyu!

Post a Comment

KAIBIGAN! COMMENT MO, POST MO!