Pages

Saturday, June 25, 2011

MAM!

isa lang ang gusto ni mam sungit (tenorio)
sa darating na oktubre para sa aming pag susulit ng secondary level.

ang gumawa ng tatlumput-anim na talata.
36!! WATAFUDGEE!!
sinasanay nya kaming mag essay writing.

dalawa kasi ang klase ng aming pag susulit, ang isa ay essay writing,
ang isa nmn yung komon na komon na may A. B. C. D. na pag pipilian.

pag hindi daw nmin kumpleto ang 36 na talata abay hindi
nya kame bibigyan ng pass para maka pag take ng exam.

nakakatamad kung tutuusin, kasi papel at lapis ang gagamitin mo
hindi computer/laptop.

ang sabi lang ni mam samin dapat
daw ay lagi kaming INSPIRED?
para laging may laman ang utak nmin sa tuwing
gagawa kami ng talata.
nakaka yamot kung tutuusin,
pero exiting din kasi pagandahan daw ng gawa e,
ang ibig nyang sabihin e yung mapapaiyak daw sya, matatawa
sa mga isusulat nmin. hindi daw dapat boring.
at isa isa daw nmin babasahin yun
sa harap ng klase.
(dyahe nmn to si mam)

e walang pasok nung friday, kaya sa monday
ay dapat may baon na akong dalawang talata.
tapos ko na kasi yung unang talata, ang
"karanasang hindi ko malilimutan"
yung dalawa nmn na kaylangan kong baunin sa lunes ay
"sino ako" at "ano ang magagawa ko upang maabot ang aking pangarap sa buhay"

ni hindi ko magawang mag reklamo kay mam.
pero sa paraan ng pag tetext ko nakuhang mag reklamo.
ang sabi ko.

"MAMMMMMMMMM!! wala na fu bang ibabawas ang 36 na talatah?
(hindi ko nmn sadyang mag add ng mga jH3jhEm()nzz na word, pero na puna yun ni mam)

kaya ang reply ni mam?

"lintek, diba sinabi ko na huwag na huwag nyu ako itetext
na jejemon word na yan? hinayupak ka mr.sarmiento!
yang 36 na yan dadagdagan ko yan ng 72!"

nagsisi ako. :(
nadagdagan tuloy ang 36 ko ng 72 na talata.
so 36+72=108
aray ku po!

tanging reply ko lang,

MAM!

spechless......

-gudluck sa lunes, anu anu kayan title na mga
talata ang ipapagawa sakin ni mam? 
hanggang ngayun e hindi ko pa nagagawa yung dalawang
talata, tyak palalabasin ako sa room sa lunes pag
wala akong gawa. umiral nanaman
ang katamuran e :p

1 comments:

bloggingpuyat said...

lol..mam sungit strikes again..

Post a Comment

KAIBIGAN! COMMENT MO, POST MO!