Pages

Wednesday, June 29, 2011

WALANG TITLE

kawawa nmn kaming mga
ALS student ni mam sungit :(

gagawin nya daw kaming elementary
sa next monday,
biruin mo sa tanda nming ito?

ganito kasi yan,

pagkatapos ng klase bago kami pinalabas ng room,

mam sungit: PUMILA KAYO SA LABAS!
(pumila naman kami, ngunit hindi pantay pantay)

si mam nmn ang reaction nung makita kami,
nan laki ang mata. parang nakakita ng multo.

pano ba nmn, ang gugulo nmin, halo halo.
yung mga tomboy nasa pila ng lalake,
yung mga bading nasa pila ng mga babae.
magulo talaga, as in! parang
pumipila lang sa lotto na may jackpot prize na 700million php.

bawat isa samin hindi nagkaroon ng pag kakataon na hindi ma palo sa pwet ni mam.
mapa babae o lalaki, sapol kay mam.
habang ang katabi nmn naming room e mga batang kindergarten e nakatingin sa amin.
infairnes maayos ang kanilang pila.
parang nakakahiya (hindi dahil nasa elementary school kami)
dahil sa mga batang nakatingin at maaayos ang pila nila.
tahimik lang sila, dinaig pa nila kaming matatanda.


alam kong napansin din iyun ni mam.
pina ARMS FORWARD GRACE yung mga bata atsaka nag martsa palabas ng gate.
alam kong naisip ni mam na ipagawa yun sa amin.
tinitignan ko kasi si mam nun, at alam ko na rin ang ugali nya.

sumatutal ayun nga ang pinagawa samin.

mam sungit: ARMS FORWARD GRACE!

.......

ang mga kapwa kong studyante na tahimik. kala mo
na freeze sa larong ICE ICE TUBIG.
(alam nyu ba yun? pag taya ka hahabulin mo yung
mga kalaro mo at pag nahabol mo sila sisigaw ka ng ICE!
tapos mag iinarteng na ICE yung kupal na nataya mo.
tpos yung mga kakampi nya pwede syang isave basta sabihin lang
ang linyang TUBIG!)
lahat kami nakatingin kay mam.
yung mga reaction nila e para bang
"mam anu yun? pede paki ulit?"

mam sungit: ang sabi ko, ARMMMMMSS FORWAARD GRACEE!!!

....

miski isa wala parin sumunod kay mam.


pero may isang hindi nakatiis, at ayun nag reklamo sya

"MAM! GINAGAWA NYU NMN KAMING BATA NYAN E"

alam kong isa sya sa mga sugo o kalahi ng mga GAGONG GANGSTER
yung nag reklamong yun.

walang nagawa si mam sungit, hindi na nakalaban pa.
nakadalawang salita na sya ngunit wala paring sumunod at heto
pa may nag rereklamo na.
kaya hinayaan nya na lang kami at pinalayas na.

kung tutuusin hindi nmn ako magulo, kaso magugulo lang talaga sila 
kaya syempre nahahawa ako. makipagdaldal
lang nmn ang style ng pang gugulo ko e. hindi yung lalabas,
papasok o mangbabato ng papel sa kapwa studyante.

hindi ko rin maiwasang maalala yung mga batang kindergarten na nakatingin
sa amin na sobrang gugulo. (hindi kaya mahawa sila?)

kaya nga habang naglalakad ako pauwi,
naalala ko yung mga sinabi ni mam nun. na
sana ay huwag kaming pasaway.
kasi hindi lang nmn pag lelecture ang trabaho ni mam
sa amin para sa darating na exam. trabaho rin nyang
baguhin ang ugali nmin,
tulad ng tanggalin ang hiya sa sarile (natanggal na ata ni mam samin yun.
kasi lagi nya kaming tinatawag na MGA WALANG HIYA)

sa kolehiyo daw kasi hindi daw pwedeng gaganun ganun,
kung pasaway ko, hahayaan ka lang ng prof. 
kahit mag tutuwad daw or mag hubad ay hindi ka daw papansinin.
sasabihin pa nga e "bat hindi ka dun sa labas tumuwad o mag hubad?"
or kung hindi daw ma take ng prof.

TSUGI ka daw.
gusto ko man sabihin na "pramis hindi ko na sila papansinin o hindi na ako makikihalubilo sakanila
para lang sayo mam. kasi naawa ako sayo. hindi ko ma ipapramis un. biruin mo wala nmn kaming binabayad na matrikula para
turuan mo kami? ang maipapramis ko na lang kay mam siguro ang
maipasa ko ang exam na SECONDARY LEVEL.

si mam pala yung nakaka awa..
hindi pala kame.. :(

0 comments:

Post a Comment

KAIBIGAN! COMMENT MO, POST MO!