Pages

Sunday, July 24, 2011

walang maisip na title, ganun din nmn e? wala nmn kwenta tong post ko? lol

tinatamad akong mag blog.. ewan ko ba,
siguro dahil na rin walang net sa bahay? nawala
kasi ng pinsan ko yung globe broadband nya sa uste..
nkakatamad pa naman pumunta ng computer shop lalo na pag tanghali!
pag ganung oras kasi madaming nilalang na tambay sa computer shop
na nangangamoy ngamoy pa ang kile kile.
kung di man kile kile, nangangamoy paa! a basta! samut saring amoy!

or?? kaya ako tinatamad? dahil sa mga pagsubok na dinadaanan ko ngaun?
tsk! ang gulo te?

buti nga nakapag post pa ako ngayun e,
(balak ko ngang mag *take a break* muna sa
mundo ng pag bablaggssherrye)
kaya lang ako nag post ngayun dahil sa babaeng
nag papatibok ng aking puso, at nag papawindang na aking
utak. o gumugulo ng aking buhay ngayun!!
wala lang, gusto ko lang ishare..
  
kasi naman e, gusto ko na sanang layuan sya? kaso ang hirap e!
gusto ko rin sabihin na may mga hindi ako gusto sa ugali nya!
pero nakikipag bakbakan tong puso ko laban sa utak kong de ipis.
parang dota lang! 1 on 1!
sinasabi nga ng ate ko na layuan ko na raw yung babaeng yun, madami naman
ibang babae dyan na matino kesa sakanya.
kasi nga nmn my boyfriend pa sya e, at 1yr and 5 months na sila!
(wapak)
mali ba tong ginagawa ko? nakikipag landian ako sakanya
kahit alam kong sila parin ng boyfriend nya?
naalala ko tuloy yung txt nya.
sabi nya.

"i love you"

ngunit ang tanging reply ko lang

" :* (mwuaahh) "

yung nag reply sya,
ramdam kong parang na lungkot sya, kahit txt lang yun
naramdaman ko yun. xmpre ang inaasahan nya e yung sagot ko na
"i love you too"
at halata rin sa txt nya na inaasahan nya yung sagot kong iyun.
ngunit hindi ko na ibigay sakanya yun.
gusto ko ring malaman kung kami na ba?
or ano ba?
kung tutuusin kasi ang sw8 sw8 nmin sa mga text e.

nalilito ako, ang hirap kasing sabihin sakanya
na gusto ko ng lumayo. (gusto ba talaga?)
ang hirap talaga, nag lalaban ang PUSO at ISIPAN ko.

nangako pa naman ako sakanya na
"hindi na ako ulit mag lalaho parang bula.
hindi kita iiwan pramis" T_T

anu na lang iisipin nya kung sakaling iwan ko uli sya?
tama ba ang payo ng ate ko? kalimutan na lang sya?
at mag hanap na lang ng iba?
sinu susundin ko? puso o isipan?

haysss.... ang hirap talaga............
pero ito talaga yung malupit na tanong,
para akong naging contestant sa isang game show
na may jackpot prize na 1million pesos!
imaginine natin yan!

tenenenenenenengggg

host: ang tanong keveen!! MR.KEVEEN??
MAHAL MO BA SYA???

tila may isang "tugtugtugtugtugtug"
ang palakas na palakas na tumatagungung sa aking
teynga. atsaka malupit na spotlight na saakin 
nakasentro.
ingay ng mgatao na nag sasabing
"oo!!!"  "hindeee!!" "tanggaaa!!"
"ayyyyyyyyy!!"
tilian din ng mga viewers sa telebisyon at
nag sasabi ding,
"ako na lang ang mahalin mo!!!"
sabihin na nating de aircon ang studio,
na para akong pinaliguan sa pawis. pawis
na umaabot sa kasingitsingitan ko na pinipilit
nmang i absorb ng aking salawal at kinakatatanging bayag.
at dahil sa tagal kong sumagot? halos over time na!
ayun, to be continued ang game show.

ano ba talaga? :(
awts to the left to the left!
anu itong nararamdaman ko??


0 comments:

Post a Comment

KAIBIGAN! COMMENT MO, POST MO!