Pages

Wednesday, June 29, 2011

taghiyawat...


hanggang kaylan ba ako mag bibinata?
diba sabi nila pag may taghiyawat ka,
nag bibinata kana?
hanggang kaylan ako magkakaruon ng
madaming crush?
pag may taghiyawat ka ibig
sabihin may crush ka.
 
Lintik na taghiyawat, ang sarap putukin,
ang sarap pirisin, hindi nga lang pwedeng pitasin. taghiyawat na kay dami-dami,
wala ng ispasyo para sa mukha kong mukang papa piolo.

Anu bang sikreto? para sa makinis na kutis
parang si anne curtis!
para hindi na mapuna, mga taghiyawat
kong nag nanana. 

O colgate colgate, malamig sa mukha,
ginamit ko sa mukha, namuti ang aking mukha!
akala ko sulusyon para sa aking taghiyawat,
kunsimusyon pala ang dulot.
 
Taghiyawat taghiyawat taghiyawat!
san ka ba nag mula?
hulog ka ba ng dyos?
o balak mo akong gawin hulog ng dyos
una mukha plakda ang baba?

WALANG TITLE

kawawa nmn kaming mga
ALS student ni mam sungit :(

gagawin nya daw kaming elementary
sa next monday,
biruin mo sa tanda nming ito?

ganito kasi yan,

pagkatapos ng klase bago kami pinalabas ng room,

mam sungit: PUMILA KAYO SA LABAS!
(pumila naman kami, ngunit hindi pantay pantay)

si mam nmn ang reaction nung makita kami,
nan laki ang mata. parang nakakita ng multo.

pano ba nmn, ang gugulo nmin, halo halo.
yung mga tomboy nasa pila ng lalake,
yung mga bading nasa pila ng mga babae.
magulo talaga, as in! parang
pumipila lang sa lotto na may jackpot prize na 700million php.

bawat isa samin hindi nagkaroon ng pag kakataon na hindi ma palo sa pwet ni mam.
mapa babae o lalaki, sapol kay mam.
habang ang katabi nmn naming room e mga batang kindergarten e nakatingin sa amin.
infairnes maayos ang kanilang pila.
parang nakakahiya (hindi dahil nasa elementary school kami)
dahil sa mga batang nakatingin at maaayos ang pila nila.
tahimik lang sila, dinaig pa nila kaming matatanda.


alam kong napansin din iyun ni mam.
pina ARMS FORWARD GRACE yung mga bata atsaka nag martsa palabas ng gate.
alam kong naisip ni mam na ipagawa yun sa amin.
tinitignan ko kasi si mam nun, at alam ko na rin ang ugali nya.

sumatutal ayun nga ang pinagawa samin.

mam sungit: ARMS FORWARD GRACE!

.......

ang mga kapwa kong studyante na tahimik. kala mo
na freeze sa larong ICE ICE TUBIG.
(alam nyu ba yun? pag taya ka hahabulin mo yung
mga kalaro mo at pag nahabol mo sila sisigaw ka ng ICE!
tapos mag iinarteng na ICE yung kupal na nataya mo.
tpos yung mga kakampi nya pwede syang isave basta sabihin lang
ang linyang TUBIG!)
lahat kami nakatingin kay mam.
yung mga reaction nila e para bang
"mam anu yun? pede paki ulit?"

mam sungit: ang sabi ko, ARMMMMMSS FORWAARD GRACEE!!!

....

miski isa wala parin sumunod kay mam.


pero may isang hindi nakatiis, at ayun nag reklamo sya

"MAM! GINAGAWA NYU NMN KAMING BATA NYAN E"

alam kong isa sya sa mga sugo o kalahi ng mga GAGONG GANGSTER
yung nag reklamong yun.

walang nagawa si mam sungit, hindi na nakalaban pa.
nakadalawang salita na sya ngunit wala paring sumunod at heto
pa may nag rereklamo na.
kaya hinayaan nya na lang kami at pinalayas na.

kung tutuusin hindi nmn ako magulo, kaso magugulo lang talaga sila 
kaya syempre nahahawa ako. makipagdaldal
lang nmn ang style ng pang gugulo ko e. hindi yung lalabas,
papasok o mangbabato ng papel sa kapwa studyante.

hindi ko rin maiwasang maalala yung mga batang kindergarten na nakatingin
sa amin na sobrang gugulo. (hindi kaya mahawa sila?)

kaya nga habang naglalakad ako pauwi,
naalala ko yung mga sinabi ni mam nun. na
sana ay huwag kaming pasaway.
kasi hindi lang nmn pag lelecture ang trabaho ni mam
sa amin para sa darating na exam. trabaho rin nyang
baguhin ang ugali nmin,
tulad ng tanggalin ang hiya sa sarile (natanggal na ata ni mam samin yun.
kasi lagi nya kaming tinatawag na MGA WALANG HIYA)

sa kolehiyo daw kasi hindi daw pwedeng gaganun ganun,
kung pasaway ko, hahayaan ka lang ng prof. 
kahit mag tutuwad daw or mag hubad ay hindi ka daw papansinin.
sasabihin pa nga e "bat hindi ka dun sa labas tumuwad o mag hubad?"
or kung hindi daw ma take ng prof.

TSUGI ka daw.
gusto ko man sabihin na "pramis hindi ko na sila papansinin o hindi na ako makikihalubilo sakanila
para lang sayo mam. kasi naawa ako sayo. hindi ko ma ipapramis un. biruin mo wala nmn kaming binabayad na matrikula para
turuan mo kami? ang maipapramis ko na lang kay mam siguro ang
maipasa ko ang exam na SECONDARY LEVEL.

si mam pala yung nakaka awa..
hindi pala kame.. :(

Sunday, June 26, 2011

HB?

ang sakit ng ulo ko.
ang sakit din ng batok ko.
high-blood ba ako?
masyadong madaming rice ang nakain ko simula kanina.

HB para sa 18years old?

pinaka nakakatuwang gawiin ko :P

ang palihim na sumingit sa usapan
sa pamamagitan ng UTOT
namay kasama pang

TUNOG at BAHO!

LANGHAP SARAP! ISANG
UTOT, KAYA ANG ISANG KATUTAK :p

edi na tigil ang usapan?
ako pa tuloy naging bida,
ako na pinag usapan eh ;)

Saturday, June 25, 2011

MALAKI BA?

haha! 7 hrs lang ang tulog ko, at heto syempre gising nanaman.
(tindi, wala pang mumug mumug yan ha, harap agad sa computer xD )
may napaginipan kasi akong kanta kanina e,
napaginipan kong nasa makulay na lugar ako na may
makukulay na mukha ng mga tao, ang kaso lamang
may kantang paulit ulit na tumutug tug sa makulay na lugar na napaginipan ko.
hindi ko matatawag na panaginip yun, kundi BANGUGUT.
ang ending mo ba nmn kasi si MAHAL na itinali ka ng mahigpit
at balak na rapin ang aking pagkalalake (hahaha)
(si MAHAL, yung artistang pandak na mini version
ni madam auring)

meron lang kinaaadikang tugtug ang kapatid ko at mga kaibgan nya sa shop
paulit ulit nila itong pinapatugtug sa shop, kaya siguro napaginipan ko kanina, galing kasi ako duon
kagabi.

na kwento na rin saki to ng pinsan ko ng mapanuod nila ito sa M.U

at tungkol nmn ke MAHAL? napanuod ko rin  kasi sya kagabi e,
kaya siguro nasama din sya sa panaginip ko na nag turn to bangungut dahil sakanya.


o sige na nga eto na nga.



wag smolin, malaking PEK talaga. naka 700,000+ view lang nmn sila :D

MAM!

isa lang ang gusto ni mam sungit (tenorio)
sa darating na oktubre para sa aming pag susulit ng secondary level.

ang gumawa ng tatlumput-anim na talata.
36!! WATAFUDGEE!!
sinasanay nya kaming mag essay writing.

dalawa kasi ang klase ng aming pag susulit, ang isa ay essay writing,
ang isa nmn yung komon na komon na may A. B. C. D. na pag pipilian.

pag hindi daw nmin kumpleto ang 36 na talata abay hindi
nya kame bibigyan ng pass para maka pag take ng exam.

nakakatamad kung tutuusin, kasi papel at lapis ang gagamitin mo
hindi computer/laptop.

ang sabi lang ni mam samin dapat
daw ay lagi kaming INSPIRED?
para laging may laman ang utak nmin sa tuwing
gagawa kami ng talata.
nakaka yamot kung tutuusin,
pero exiting din kasi pagandahan daw ng gawa e,
ang ibig nyang sabihin e yung mapapaiyak daw sya, matatawa
sa mga isusulat nmin. hindi daw dapat boring.
at isa isa daw nmin babasahin yun
sa harap ng klase.
(dyahe nmn to si mam)

e walang pasok nung friday, kaya sa monday
ay dapat may baon na akong dalawang talata.
tapos ko na kasi yung unang talata, ang
"karanasang hindi ko malilimutan"
yung dalawa nmn na kaylangan kong baunin sa lunes ay
"sino ako" at "ano ang magagawa ko upang maabot ang aking pangarap sa buhay"

ni hindi ko magawang mag reklamo kay mam.
pero sa paraan ng pag tetext ko nakuhang mag reklamo.
ang sabi ko.

"MAMMMMMMMMM!! wala na fu bang ibabawas ang 36 na talatah?
(hindi ko nmn sadyang mag add ng mga jH3jhEm()nzz na word, pero na puna yun ni mam)

kaya ang reply ni mam?

"lintek, diba sinabi ko na huwag na huwag nyu ako itetext
na jejemon word na yan? hinayupak ka mr.sarmiento!
yang 36 na yan dadagdagan ko yan ng 72!"

nagsisi ako. :(
nadagdagan tuloy ang 36 ko ng 72 na talata.
so 36+72=108
aray ku po!

tanging reply ko lang,

MAM!

spechless......

-gudluck sa lunes, anu anu kayan title na mga
talata ang ipapagawa sakin ni mam? 
hanggang ngayun e hindi ko pa nagagawa yung dalawang
talata, tyak palalabasin ako sa room sa lunes pag
wala akong gawa. umiral nanaman
ang katamuran e :p

Thursday, June 23, 2011

kung ako si JOSE RIZAL?

bumida talaga si rizal kamakaylan lang, bidang bida sa fb, twitter, blogspot, tumbler at kung anu anu
pang kalandiang site!
pilipino ako pero wala akong kaalam alam tungkol kay jose rizal, (unti lang nmn kahit papano)
kanya kanya ang trip ng mga mokong, may mga gumawa pa ng video handog para sa ating
pambansang bayani, may mga nag art work (lulufet nga e)
at kung anu anu pang ka anek nekan.

nung kamakaylang lang (Tuesday 21, 2011)
tinanong kame ni mam tenorio na malufet na tanong.
ang sabi nya,

mam sungit: bakit walang pasok nung monday?
(kame nmn walang imik, natatakot sumagot at baka kasi mali ang maisagot)
pero ang iba hindi matiis mag papansin, ang sabi

tao1: mam! BIRTHDAY NI RIZAL!
tao2: hindi! araw ng kamatayan ni rizal!
tao3: ARAW NG LUMADLAD SI RIZAL!
(halo halo ang mga sagot)
halo halo ang mgasagot, kaya na bwisit si mam sungit (tenorio)
pinaulanan nya kame ng laway, damay damay lahat pati ako.
tindi nga e! kulang na lang 3D glass. para ka ng nasa IMAX!

mam sungit: MGA TARANDO'T HALIPAROT! MGA HINAYUPAK!
KUNG HINDI ALAM ANG ISASAGOT ABAY WAG NG SUMABAT!
TARANTADOOO!!

syempre natahimik ang lahat. walang naka imik. si mam sungit ba nmn ang pumutsada akala mo
may hawak na itak na at kakatayin ka na e.

mam sungit: o eto na lang, kung kayo si rizal? mas pipiliin nyu bang mamatay para sa bayan o mabuhay?

tindi ng question ni mam. parang pang ms.universe lang e.

tao4: mam anu yang kalokohan na yan? past is past MAM!
tao5: si mam hindi maka get over! palibhasa may nakaraan sila ni rizal!
ayiyiyi lovers!!
(dedma lang si mam. nag hahanap kasi ng mukhang matinong tao na makakasagot.)

e may mga kaklase kaming mga beki, sabat nmn sila kahit hindi tinanong,
bidang bida sila sa question and answer ni mam sungit.

beki: ah mam, in major major way, i will choose to live na lang.
syempre dagdag booking na rin. mataste ko pa ang mga lumang tao!
lalo na ang mga kapwa bayani ko! haha
(tawanan kame)

kunot ang nuo ni mam sungit, hindi natuwa sa biro ng bakla!
ang ginawa ni mam e inisa isa kameng pinasagot.

at ng ako na ang  sumagot ko kay mam.

ako: mas pipiliin ko pang mabuhay mam! sa ayaw't sa gusto mo.
mag papadami ako ng lahit. mambubuntis ako ng madaming babae hindi dahil
malibog ako. para maraming JOSE RIZAL na tulad ko ang isisilang at syempre
DUGONG DUGO KO PA! ANAK!
at dahil dyan, marami pa akong librong maisusulat laban sa mga kalaban.
(sino ba kalaban nya? spanyol or kastila? BOTH?)

at kung nabubuhay pa ako, malamang! magiging inspirasyon ako ng
mga kabataan sa aking mga librong sinulat. mam! all over the world yan.
best seller lagi ang mga libro ko.
trending pa ako sa twitter, 
at lagi ako ang pinag uusapan! at malamang, mam?

baka presidente na ako nyan!

- walang imik si mam, ang sabi nya
bibigyan daw nya ng score 1 - 5, ang
1 e lowest, ang 5 e higher. tinanong ko
kung anung score ko, tinarayan lang ako
amf! ang sabi pa,

mam sungit: taray, pang ms.universe ang sagot! UMUPO KA!! 


Tuesday, June 21, 2011

biyaya, biyaya, up! up! up! DARNA!!

nag umpisa na pasukan namin, kaming mga out of school youth :)
(yes! proud to be out of school youth! umi-english pa e nu?)
matinding review nanaman ang magaganap sa 4 months para makapasa ng secondary level,
para sa pag dating ng 2012, OMG! (college na ku! wag pa sana magunaw ang mundo)

aminin na natin hindi ko naranasan ang makapag aral sa isang highschool, 
hindi ko nga rin natapos ang grade six e, biruin mo pumasa lang ako sa A&E elementary level test.
2008 pa ako nag test nun, so sumatutal kinsi(15) anyos lang ako nun nung nag take ako ng exam na yun.
sa awa ng dyos pumasa nmn ako. nakagraduate nmn na ng elementary level. dos(2) ang nakuha ko sa pagsusulat o
essay writing at ang standard score ko e 137 ata? hindi ko magets yung sa standard score,
pero sabi ng titser ko e mataas na daw yun.

at eto ngayun, secondary level!
tamad kasi ako nuon, super tamad! sana 4th year college na sana ako ngaun diba?
kung pinag patuloy ko lang ang pagaaral ko nun.
pero ok lang! hindi ko pinag sisisihan ito, natutuwa pa nga ako dahil ng yari sakin to.
atlis naransan ko yung ganito diba? e yung iba? wala silang alam. alam lang nila mang lait
na (walang pinag aralan)


kaya nga sabi ng principle dun sa pinapasukan ko sa ALS:

BIYAYA, BIYAYA, up! up! up! DARNA!

e may mga kaklase akong mga beki, ang hirit nila.

beki1: pag minamalas malas ka nga naman!
BIYAYA, BIYAYA, ay nalaglag yung BAYAG ko,
paki pulot nga ding.
beki2: (umaksyon na pumulot nmn at inabot kay beki1)
beki1: ding ang BAYAG!! SEXX CHANGEEESSS!!

laught trip talaga kami nyan kanina, kahit ang principle nmn e humalakhak din,
hindi man lang nagalit sa inasal ng beki.
ang sabi pa.

principle: ayan, pag hindi kayo nag sipag, ganyan ang mangyayari.
pero pag nag sipag kayo? 
BIYAYA BIYAYA UP UP UP DARNAA!!!

- goodluck samin :)
sana ma kaya ko tong secondary level!
(talagang kakayanin ko!)

Sunday, June 19, 2011

anak ka ng ama mo!

gusto ko sanang tumula ng makata, kaso hindi ako marunong e?
ganito na lang.

ASTIG ANG AMA NATIN! ROCK EN ROLL KUNG UMASTA!
MALUFET PA SA LION KUNG MAGALIT! PERO KAHIT MINSAN NAIINIS
TAYO PAG PINAPAGALITAN NILA TAYO? ABA! PANGS NA PANGS PARIN!
WALA PARIN TATALO SA AMA NATIN! NAG IISA! NAGIISA LANG NA GUMAWA SATIN,
PWERA NA LANG KUNG NA GANGBANG ANG MUDRA MO, MALAMANG HINDI MO ALAM
KUNG SINO ANG PADER MO, PERO KAHIT GANUN PA MAN,
ETO PARIN ANG TANGI NATIN MASASABI,

happy fathers day! :p

lubos na bumabati-
ang malufet mong anak! 
sing lufet pa sa kidlat XD
(tugshhhhh)

Friday, June 17, 2011



anu kapa, batang bata pa sya nuon, pero tignan mo nmn yung mga video nya ngayun. ang laki na nya.
mas magaling pa sakin to e! wapak! amf!

pinag aaralan ko nga to ngaun e, hindi ko ma perpek! >,<
wish ko lang sana hindi ako tamarin. minsan kasi tinatamad ako e.

Monday, June 13, 2011

3D-chismis.

bibilib na talaga ako sa mundo kung
ang CHISMIS de-3D version na.

biruin mo, makiki chismis ka na lang, naka 3D shades ka pa?
lufet! dama mo pa ang kwento! pak wapak!
isusuot mo lang ang 3D shades, at magkukumpulan na kayo para umpisahan ang chismis.
syempre ang unang bida- bumida na sa kwento,
dama mo ang kwento nya, ang mga talsik nyang lumalaway, dama ng mukha mo.
ang kanyang kilus at galaw, kitang kita ng malalaki mong mata!
napapagulat ka sa bawat hampas ng kamay nya.
dumadagundong ang kanyang kilos at napapa pikit ka.
maangas pa sa HIGH DEFENITON at matindi pa sa
GRAPHICS!

san ka pa, libre lang, walang bayad?
snacks na lang ang kulang. lufet no?

bat hindi nila maisipang imbentuhin iyon no?

Why?

Why BRA sizes are measurd as A,B,C,D,E,F not 1,2,3,4,5?
because... 

A=As flat as Airport runway B=Barely Seen C=Comfortable D=Damn Gud E=Enormous F=Fake.

BIDA!


haha! lufet nito! natawa ako dito.. bidang bida! amff! :p

Sunday, June 12, 2011

DALLAS! THE LAS LAS BOYS!

DALLAS! lupet nila no? anung sinabi ng MIAMI?
MIAMI SATSAT? HEAT? HEATANG INA! MIAMI SATSAT!
NA LASLAS LANG PALA NG DALLAS!

:D

ako na ang dyahe kaninang umaga :p

nilakad ko ang espana mula asia este espana mula laon laan street!
BAD DAY!
(sana nag jogging na lang ako!)
nakapang gayak panaman ako..
super dyahe! biruin mu namawis ang betlog ko! likod, kilekile, pati kasingit singitan ko,
dyahe para sa mga chicks na nadadaanan.
pero hindi ko rin maiwasan mag paawa ng tingin nung madaanan ko sila.
para naman maawa nmn sila sakin, malay mo painumin pa nila
ako ng tubig gamit ang basong ininuman nila (yeah)
at baka punasan din nila ang mukha kong namamawis (baka pati singit mapunasan)
hahaha..

hayyy grabiiiiiiiiiiiiiiii! buti nakaraos sa sobrang inet!

Friday, June 10, 2011

bilang na ang araw mo!

tama na muna yung biro.
sa totoo lang binibilang ko na ang pag sapit ng septyembre.
dahil ang araw na yun ay ang aking kaarawan.
naalala ko, 14 lang ako nuon. batang bata pa.
yan ang pinaka memorable sakin. ang ang pinaka paboritong parte
ng buhay ko. ang pagiging katorse edad ko.
pero yung sumapit ang 15, 16, 17, 18.
ibang buhay na ang naranasan ko.
pero kung tutuusin masaya nmn talga ako. spoiled ke mama.
(spoiled sa pa 30php minsan sa 3 linggo. at lalo na
sa pagiging tamad.)
swerte din dahil biniyayaan ng ala raver cruz/jason abalos na mukha.
pero may kulang talaga.
hindi ko alam kung anu yung kulang na iyon! basta may kulang!
kaya nung nasa edad 15  ako nuon,
pag tinatanong ako kung anung edad ko, i kukumpyot ko pa.
kasi hindi ko feel ang pagka 15 ko. lalo na yung 16, 17 at ngaung 18 na ako.
isip bata kasi ako. 

madalas nilang tanungin ang edad ko nuon dahil sa laki ko.
mataas kasi ang height ko. 16 pa lang ako ang heigt ko na ay nasa 5'8
ngayun e 5'9 na ata.
kaya pag sinasabi ko nuon ang edad ko e nagugulat sila.

naalala ko nuon 8-14 ako pag tinatanong ang edad ko
kabisadong kabisado ko e, hindi ko na kaylangan i compute pa.
(haiiiiiiiisssssssssst!! gusto kong maging bata ule. gusto kung balikan iyon!)
pero truth hurts! -__-

lagi kong sinasabi sa sarili ko na-
"magbabago na po ako. magiging matured na po"

pero hindi ko talaga magawa e. mahirap e.

kaya nga sa edad kong ito? wala akong masyadong kaibigan, (kunti lang, mga nsa 15?)
at wala rin BEST FRIEND, KA KOSA, KA INUMAN,
KA-KALOKOHAN.
pero hindi ko nmn hanap yun, kasi kontento ako sa piling
ng aking mga pamilya, kapatid, pinsan.
para kaming mag kakaibgan, magkakatropa.

pero kahit papanu nag karoon nmn ako ng mga ka love team.
nung grade 5 ako. (si jaquilyn) at (si ruth)
grade 6, (jasmin) at (si shana)
(chickboy ako e! pede sa girl! pede sa boy haha!)

e ang highschool?
(nxt time ko na lang ikwento)

sa CHAT nmn (si DARING) code name nya lang. hindi ko alam
ang real name nya. sa MP3-CODES ko pa nga saya nakilala e.
sugar mommy ang tawag ng mga nakakakilala sa akin sa computer shop
ng pinsan ko. kasi nga nsa 25 years old nun si DARING at ako ay nsa
16 taong gulang lang!
malamang sugar mommy ko sya. may anak na rin kasi sya.
darling pa nga ang tawagan namin e. (marami nag sasabi korny daw)
pero? bigla na lang din kami nag laho sa isat isa.

tapos yung sumunod, nung
17 ako, txt clan naman. si (nuyme)
ang babaeng rakista!
(yan ang mga type ko ngayun, mga ROKISTA CHIQ, FEELING METAL KASI AKO)
sakanya ko naranasan ang unang halik. hindi lang halik, kundi LAPLAP! kung tutuusin hindi nmn sya kagandahan. (pero hindi rin kapangitan, may taste nmn ako kahit papanu!)
pero natipuhan ko parin sya. kasi nga txt lang e.
madalas kaming asarin sa (ILALIM NG PUNO)
dun kasi naganap yun. 
masyado syang wild (yun ang gusto ko sa babae, hayuk!)
muntik ng may mangyari samin duon sa puno na un.
pero wala rin ng yari. kasi nga nakita kami ng mga ka clanmates namin
na nag lalampungan dun. gustuhin ko man ipag patuloy, hindi na namin nagawa.
(mas matanda din si nuyme sakin. nsa 19 sya)
kung i momotel ko nmn? wala akong kaalam alam dun. at wala nmn akong pera.
hindi nmn kasi ako magastos. 

kaya pag sumapit na ako sa kaarawan ko,
magiging 19 na ako. at sasabihin ko sa sarili ko-

"ISISILANG KA ULI, BAGONG BUHAY, BAGONG UGALI,
HINDI KA NA BATA, MATANDA KANA!"

kaya sinusulit ko na ang mga araw na ito.
dahil pag sumapit na ang SETYEMBRE
(ibang POTPOT na ang makikilala nila)

sad emoticons Pictures, Images and Photos


-hmp! drama! balik na nga sa dating anyo!
(super BONJING TEKNIK)

tadaaaaaah!! hello po kamusta po kayu? penge po kendi at laruan di
kotse kotse pati baril barilan :)

Thursday, June 9, 2011

INCEPTION

kita mo nmn! month of june, labasan ng malulufet at mga bigating Hollywood movie!
pero ang ikinalulungkot ko lang nmn kasi-


bakit hindi sila nag labas ng movie na DORA THE EXPLORER?
GUSTO KO YUNG TUNAY NA TAO ANG UMAAKSYON!
TUNAY NA DORA ANG LUMALAKWATSAN KASAMA ANG MGA KAIBIGAN NYA!! LUMALABAN LABAN EPEK PA
KAY SWIPER THE FOX! 

ang paborito kong BEN10 may movie.
pero ang DORA? wala!!
kaya lagi akong nananalangin na magisip na gumawa ng 
movie ang NICKELODEON na DORA THE EXPLORER THE MOVIE!!




tamang tama, pwede tong batang ito na gumanap bilang dora. sana kunin sya
para gumanap kay DORA THE EXPLORER THE MOVIEEEEEE!! :D



CONFIRM!!!

BAGYO talaga sya,
sya ay walang iba kung hindi si bagyong DODONG!
at good news sa iba kasi palabas na sya sa philippines area ngayung tanghali.

sayang! kung nag patuloy pa si bagyong dodong edi sana walang pasok ang
mga batang katulad ko! manunuod sana ako ng BENTEN at DORA THE EXPLORER!!

Wednesday, June 8, 2011

sa panahong nilalamig ang iyong-- katawann XD

4:14am na dito sa computer ko. 
tanong ko lang? may bagyo ba?
hindi kasi ako nanunuod ng balita e,
puro cartoons lang pinapanuod ko, dora,
ben ten, etc etc.

ramdam nyu rin ba ang ulan at ang lamegg??

heto o:


pampainit! tyak mag iinit ka! mas malufet pa sa kapeng barako!
lalo na sa LAMBANOG.



(Umm ahhhh)
kayo naman, huwag nmn puro init! lagyan din nating ng konting UMAY :D



TADANN! POSING PALANG PAMATAY BETLOG NA XD

EVRYDAY,

ay pasukan na pala? parang kaylan lang nu?
parang kaylan lang, ang mga kapwa bata (feeling) ko
e masayang masaya habang naglalaro sa labas ng kalye,
aba! ngaun? baktul school nanaman sila!

ang bilis ng panahon, >,<
bukas nyan pag gising
mo, birthday mo na, tapos Halloween na! tapos Christmas at NEW YEAR!

letse porque iniwan ka nya na papa porque ka na

siguro alam nyu yung kantang PORQUE ni maldita?
pinadownload lang sakin to ng kapatid ko, ayun! nung napakinggan ko, aba! maganda nmn pla!
pero dehins ibig sabihin nun e "nakarelate ako sa song na un"
HINDI NO!
yan kasi yung karamihan kong nababasang mga comment sa kantang iyan.
pero dahil music lover ako, syempre maganda ang bounce ng music na yan sa tenga ko,
kaya ayan! nagustuhan ko na rin.

inalam ko na nga yung chords nun sa guitara, pero truth hurts, hindi tumugma
ang chords na nakuha ko! walang kwenta amf!

kaya nga ang masasabi ko sa kantang PORQUE-
infernes, achieve na achieve! bagay sa pinas!
yan panaman ang no.1 problema ng ating bansa,
PAG-IBIG.



hindi ko pa napapanuod yang official vid, ang bagal kasi ng takbo ng net namin dito (umuulan e)



original ba nya talaga yan or tinagalog nya lang?

T*ng in* nya!

siguro napapa TANG INA ka pag nakita mo yung ex mo na
pumatol ng walang ka taste taste no?
tinry mong mag paka sweet,
pero diabetic pala ang putsa, ayan!
nag hanap ng walang lasa! hahaha xD

biruin mo? sa tindig ng mukha mong pang artista?
kung baga sa showbiz e nag hanap ng extra,
ang malufet dun mas masahaol pa sa xtra, yung tipong pang stunt man!
sa sobrang panget pede ng gawing basahan at ipunas sa lapag!

kaya nga pag nakita mo ang ex mo.
sabihin mo.

"ay!!! TANG INA!!"


Monday, June 6, 2011

BIBE!

o cge, kinukunsider ko ng haters ako ni BIBE, kaya sa mga fans nya, hala! labo labo na XD
dbale ng manuod ng kpop music video kesa sa panuodin ang music video nya!
wapek! na wapek!

ONE TIME lang nmn ang gusto kong music ni justin bibe,
all in all, wala na! ONE TIME LANG TALGA.
pero yung iba nyang music?

"tang ina makikinig na lang ako ng kpop music na-
CHUNG KANG CHUNG KANG XING XIANG MO BOP BOP BOP
CHAALA CHALAA!! SHURII SHURII SHURI SHURII NIGA HAGA SHONG SHWAY LAA!"
(hindi ko alam kung anung title ng kantang yan, basta lagi ko yan naririnig sa computer shop! pinapakinggan ng mga kpop fanatics)

hindi nmn ako totally galit. nakakaasar lang
talaga ang pagmumukha nya.
pasensya na kayo, tao lang ako nu!
naiinis, naasar, nagagalit! hahaha
wag kayong mag alala, lilipas din yan, magulat kayo!
(bibe fanatic na pala ako?)
txang ina no way!!



(lalo na sa pic na to, ang sarap baragin yung mukha!)
 ang sarap ipalamun sa asong gutom! :D

o diba? hindi halatang galit na galit, nag post pa talaga ng pic nya ! hahaha

natutuwa ako :P

siguro parte na talaga ng buhay ko ang dapat na pag bloblog.
what i mean e yung pasilip silip sa blog ng iba, makiki basa, makiki tsismis.
nakakatuwa kasi e. biruin mo, hindi ka lang ni la napapatawa. napapangisi, napapaiyak at pinakikilig.
ng betlog mo (xD) kinukulayan pa nila, parang karyola lang nu?

o diba? achieve na achieve, anung say mo don? waley?? wushuuu!

 ok na sakin ang hindi makapag post ng 5 araw e, (wa wents nmn kasi mga pinopost ko)
ang mahalaga e makatambay lang at i bilat ang aking mga mata sa kanilang blog!
nakakatuwa talaga.
kaya kay langan talaga ng malufet na -
KONG GRASS SHU LAYTION!

isa pang malufet na, KONG GRASS SHU LAYTION!

magpugay sa GLOBE BROADBAND na kamakaylan lang ay binansagan naming
GLOBE BROKEBAND! 

"uyyyyyyyyyy" sing bilis na ng kidlat ang aking pag susurf ngaun.
kesa nung dati, mas mabagal pa sa pagong! XD

lagi na akong mag uupdate nyan ng blog ko! hahah bongga hanu? xD




KONG GRASS SHU LAYTION!

achieve na achieve! hindi man kabunggahan ang layout, atlis pamatay betlog nmn sa banner ko, hahaha :)

Saturday, June 4, 2011

SANA MAKARELATE KA DITO.

nag dodota ka?



nakakainis diba?

TALAGA?

so matatawag akong LONER kung
feel kong hindi ko feel ang atmosphere ng mga tao?
ayaw ng ingay, masakit sa mata ang madaming tao.

huh?

TUNOG NG TOKTOK!

NAALALA KO NUNG NAKARAAN:
pag naririnig ko talaga ang kantang TIKTOK ni kesha,
ay!! piling ko nasa CLUB ako! wuhhh!
npapa dance dance ang aking bilbil at ang mataba kong pisnge (cute)

sarap umindak! 

ang masama-

napansin kong nasa kalsada napala ako nung nagawa ko yun!
nakakahiya sa mga tao. lalo na sa mga chix T_T

sa "BABAAN AT SAKAYAN" ko pa na gawa. dyahe diba?

sabi pa ng katabi ko na nag ala vice ganda
"DISCO? DISCO?"

bwisettttttt!!

LAYOUT!

bwiset, tinatamod lang talaga ako gumawa ng lay-out ng blog ko e.
pero pag may time, pagagandahin ko to.
pero mas trip kong i paparlor ito. mas maganda hano?
para bongga diba? daig pa si david salon! hahaha :D
kaso mahal! leycheee! walang pera para pang bayad! WUHHH >,<

FIRST 3D EXP.

matagal ko ng gustong i blog ito e, ang first encounter ko ng 3D MOVIE.

hindi ko alam kung sasabihin kong PANGET or HINDI?
kasi nag enjoy nmn ako sa pirates of the caribbean 4.

nag enjoy ako sa 3D scene, (KAHIT HINDI FULL, KERRY NA)
pero sa kwento? i dunno. parang biten ang storyahe e.

pero lab it talga! kaya ang transformer 3? pag iipunan ko yan, papanuudin ko yan sa IMAX!!

nomon!

leche!

huwag ka! na ngaray ang betlog ko sa movie na
I SPIT ON YOUR GRAVE!
peste huh? lalo na yung scene na pinutulan ng etits si  JOHNNY!
grabi!

kaya ako? hindi na ako mag babalak pang mang rape! putsa!
papa rape na lang ako hahahah! bakla? lol
ulol hindi ah! hahaha!

o eto ang patikim! panuudin nyo! pero mas maganda kung pupunta ka ng
quiapo para bumili ng mga pirated na DVD para makabili ka na
bago man lang ipagbawal ang mga pirated dvd. (as if nmn)

LOL xD


whats new?

anu bang tama?

it was fun, its fun or it is fun?

IT WAS FUN kasi ang sabi ko
sa ka twinbird ng ate ko matapos naming
panuudin ang I SPIT ON YOUR GRAVE :X

pasensya hende ako engleshero, lol


tangina THIS!

hindi ito ang kaunaunahan kong blog ok? may dalawa akong blog na ACTIVE na ACTIVE!
mas ACTIVE pa sa mga ka-lolo-lolohan ninyo!

pero ang kinaaasaran ko talaga sa lahat! ang TANGINA THIS!
what i mean e, na aasar ako sa mga MALAYSIAN, THAILAND, ewan ko kung anung
lahi nila! basta,

tulad nito "jom bli kaspersky,murah ni"
kanino at saan galing yan WORD na yan? anung bansa?
lagi na lang silang nsa chatbox ko, lagi silang ng do-drop by.

pero pag tinaranslate ko nmn sa google, BOLELENG din. bobo mag english ang GOOGLE! wa wents..

pero atlis! pasalamat padin ako kahit papano may mga VISITORS ako, kung baga mga BWISITA!

try nyu mag lagay ng chatbox, ewan ko lang kung hindi kayo pag pyestahan ng mga MALAYSIAN! WUUUUUUUUUUUUHH >,<