Pages

Tuesday, July 26, 2011

Gusto ko baguhin ang pananaw ko sa buhay.

Napadpad ako sa isang site kung saan may post sya about life.
english yung post nya, halos duguin yung nose ko. nanginig ako,
kasi akala ko girl na ako kasi dinugo diba? (yuck!)
haha! sabi pa ng isip ko, "bumile kana ng pasador! isalpak mo sa mukha mo!"
anu yun? regla sa ilong?  lol.
ito walang halong biro, kahit nahirapan sa pagintinde ng ingles, asus! minani ko lang!

sabi nya, "Willpower. Once you realize you only have so much will power everything becomes clearer."

patay kayo dyan, anak ng tinapa! once na maklaro ko lang yan,
pipipiin ko sila ng parang lata. (magneto)
cho-chop chopin ko sila ng parang baka (wolverine)
hihigupin ko sila palipad sa ere (storm)
kakainin ko sila ng buo (beast)
(pasensya na, naimpluwensyahan lang dahil
sa lintek na xmen 1st class! ang ganda grabe!)

pero yung totoo? makikita talaga nila.. ginaganito ganito lang nila ako.
(hindi porke gwapo ako este) porke wala akong tinapos? umh!
hindi nmn sa pag tatanim ng galit o kung anu anu pang ka etchapwera-
makikita lang talaga nila..kung sino ako nuon at sino ako ngaun..
magugulat nalang sila (at ako) na nakatatayo na pala ako sa sarili kong paa (gets?)
kaya ko na palang tumapak sa lupa. at syempre, tatakbo ako ng matulin! hindi ako mahihiya.
ang kalungkutan ay mapapalitan ng kasiyahan.
pag hiningal aq sa pagtakbo? saglit akong hihinto. at sisigaw ng " I MADEE ITTTTT!!!"
muling tatakbo na parang lumilipad na agila sa himpapawid..

higante kosa? anu ka? kontrabida?
hahahahhaha (tawa ng kontrabida) xD
"Willpower. Once you realize you only have so much will power everything becomes clearer. So stop beating yourself up about not being able to change.  The thing is that we only have so much will power in our mind and body to make changes. Will power runs out like a muscle that becomes tired.  It’s extremely  important to ask yourself the following questions.
During the 24 hours I have each day, what do I truly, truly, truly wish to focus on? If you find yourself eating crap, watching too much television or shopping needlessly you have run out of will power."

Sunday, July 24, 2011

walang maisip na title, ganun din nmn e? wala nmn kwenta tong post ko? lol

tinatamad akong mag blog.. ewan ko ba,
siguro dahil na rin walang net sa bahay? nawala
kasi ng pinsan ko yung globe broadband nya sa uste..
nkakatamad pa naman pumunta ng computer shop lalo na pag tanghali!
pag ganung oras kasi madaming nilalang na tambay sa computer shop
na nangangamoy ngamoy pa ang kile kile.
kung di man kile kile, nangangamoy paa! a basta! samut saring amoy!

or?? kaya ako tinatamad? dahil sa mga pagsubok na dinadaanan ko ngaun?
tsk! ang gulo te?

buti nga nakapag post pa ako ngayun e,
(balak ko ngang mag *take a break* muna sa
mundo ng pag bablaggssherrye)
kaya lang ako nag post ngayun dahil sa babaeng
nag papatibok ng aking puso, at nag papawindang na aking
utak. o gumugulo ng aking buhay ngayun!!
wala lang, gusto ko lang ishare..
  
kasi naman e, gusto ko na sanang layuan sya? kaso ang hirap e!
gusto ko rin sabihin na may mga hindi ako gusto sa ugali nya!
pero nakikipag bakbakan tong puso ko laban sa utak kong de ipis.
parang dota lang! 1 on 1!
sinasabi nga ng ate ko na layuan ko na raw yung babaeng yun, madami naman
ibang babae dyan na matino kesa sakanya.
kasi nga nmn my boyfriend pa sya e, at 1yr and 5 months na sila!
(wapak)
mali ba tong ginagawa ko? nakikipag landian ako sakanya
kahit alam kong sila parin ng boyfriend nya?
naalala ko tuloy yung txt nya.
sabi nya.

"i love you"

ngunit ang tanging reply ko lang

" :* (mwuaahh) "

yung nag reply sya,
ramdam kong parang na lungkot sya, kahit txt lang yun
naramdaman ko yun. xmpre ang inaasahan nya e yung sagot ko na
"i love you too"
at halata rin sa txt nya na inaasahan nya yung sagot kong iyun.
ngunit hindi ko na ibigay sakanya yun.
gusto ko ring malaman kung kami na ba?
or ano ba?
kung tutuusin kasi ang sw8 sw8 nmin sa mga text e.

nalilito ako, ang hirap kasing sabihin sakanya
na gusto ko ng lumayo. (gusto ba talaga?)
ang hirap talaga, nag lalaban ang PUSO at ISIPAN ko.

nangako pa naman ako sakanya na
"hindi na ako ulit mag lalaho parang bula.
hindi kita iiwan pramis" T_T

anu na lang iisipin nya kung sakaling iwan ko uli sya?
tama ba ang payo ng ate ko? kalimutan na lang sya?
at mag hanap na lang ng iba?
sinu susundin ko? puso o isipan?

haysss.... ang hirap talaga............
pero ito talaga yung malupit na tanong,
para akong naging contestant sa isang game show
na may jackpot prize na 1million pesos!
imaginine natin yan!

tenenenenenenengggg

host: ang tanong keveen!! MR.KEVEEN??
MAHAL MO BA SYA???

tila may isang "tugtugtugtugtugtug"
ang palakas na palakas na tumatagungung sa aking
teynga. atsaka malupit na spotlight na saakin 
nakasentro.
ingay ng mgatao na nag sasabing
"oo!!!"  "hindeee!!" "tanggaaa!!"
"ayyyyyyyyy!!"
tilian din ng mga viewers sa telebisyon at
nag sasabi ding,
"ako na lang ang mahalin mo!!!"
sabihin na nating de aircon ang studio,
na para akong pinaliguan sa pawis. pawis
na umaabot sa kasingitsingitan ko na pinipilit
nmang i absorb ng aking salawal at kinakatatanging bayag.
at dahil sa tagal kong sumagot? halos over time na!
ayun, to be continued ang game show.

ano ba talaga? :(
awts to the left to the left!
anu itong nararamdaman ko??


Friday, July 15, 2011

Plankersss

Nauuso ngaun to sa fb, ewan ko ba. pero kung tutuusin nakakatuwa.
ang hamon lang nmn, pagandahan ng pag plunking.
pero mukang hindi yun ang lumalabas, pagandahan ng BG mo sa pag plunk,
pa astigan at pakapalan ng mukha.














marami pa yan, search nyu sa fb "planking pinas"
mga nakakatuwang plankers.

Thursday, July 14, 2011

ang nakaraan..

ang alam ko dati nasaktan ko na sya, pinaasa sa wala..
narealize ko na nakasakit na pala ako ng babae. d ko lang sure kung napaiyak ko sya.
alam ko namang may gusto sya sakin, kahit ako rin. kaso para akong natotorpe nun,
hindi ko alam kung torpe ba tawag dun? yung, ang hirap sabihin na "pwede ba kitang mging gf?"
or "mahal kita.."

pano ko nmn yun sasabihin? e kasi meron na syang bf.. ayoko nmn manulot?
kahit sabihin ko pang "e mahal nmn nya ako. kaya aagawin ko sya"
masama nmn yun diba?
kaya lumipas ang panahon, pinaubaya ko sya.
nag laho ako ng parang bula sakanya.
nag palit ako ng sim, pinahiram ko ang cp ko sa ate ko para wala ng contact sakanya.
sa fb, hindi ko na sya pinansin.

pero heto nanaman, nung nabasa ko yung last post nya nung june,
"Kaninang umaga , habang nakatingin
ako sa langit .. Di ko namalayang
napapangiti na pala ako .. Pano ba
naman , bigla kong naalala ung
"aning" na nakilala ko 3 months ago :)"
ako kaya ang tinutukoy nya?

dahil sa kalituhan kung ako ba ang tinutukoy nya sa kanyang post,
nag post din ako.
"naalala kita! pramis! karera tayo??
yung totoo?? sayang nga, bat hindi naging tayo? :)"


siguro ako nga yung tinutukoy nya, kasi nag comment sya sa post ko.
ayun, humaba ang usapan hanggang sa hingi ko ang number nya.
binigay nmn nya. hanggan sa tinext ko sya at nag reply nmn.
naging magkatxt kami buong gabi, hanggan sa nauwi ang usapan
sa mga rebelasyon. hindi ko alam kung pano ko nasabi yun.
hindi ko rin alam kung galing ba sa puso ko yun. na laman
nya din na sya ang tinutukoy kong
"sa lahat ng babae, sayo lang ako na torpe ng ganito."
sinabi ko pa sakanya.
"na aasar ako pag nababasa ko mga sent msg ko sayo. ang korny kasi!"
sabi nmn nya
"hinde, ang sweet nga.."

at ngayun? alam kong hinihintay nya na lang ang tanong kong,
"pwede ba kitang mging gf?"
pero hindi ko pa masabi skanya..
kasi sila parin ng bf nya.
sabi nya 1year and 5 months na sila.
mahigit 1year na silang away bati.

gusto na nya daw hiwalayan yun nuon pa man.
kaso nmn na wala daw ako nuon ng parang bula. kaya hindi nya na lang hiniwalayan.

takot siguro syang mawalan ng nag mamahal sakanya kaya
di nya hiniwalayan yun..

at ngaun? gusto na nyang hiwalayan yung bf nya.
nabuo sa isipan ko ang tanong na,

"laro ba ito?"

sabi nya kasi hindi nya daw mahal yung lalaki.
pero bat tumagal ng 1year and 5months?


mahal ko ba talaga sya?
itutuloy ko pa ba ang panliligaw skanya?
iiyak ba sya pag nawala ako ulit ng parang bula?
manunulot ba ang tawag sakin pag tinuloy ko ang panliligaw sakanya?

Monday, July 11, 2011

korny ba?

pasensya na sa kakurnihan, pero na aliw nmn e. kaya 10 ang score ko :)
naboso ko lang sa fb ng friend ko..

Vice:Pepsi nga po.
Tindera:Iplastic ba?
Vice:Try mo isako tas lagyan mo ng straw. pwd? Kung ayaw mo, sa karton.
(Pinlastik ng tindera ung pepsi)
Tindera:ang bayad mo? Mgba2yad kba?
...Vice:Hnd, mgsusukli. Aq ung tindera kya aq mgsusukli, malamang dba mgba2yad aq kc aq bumili?!
Tindera:Hnd, ung kalabaw, ung kalabaw ung bumili. Malamang ikaw!
Vice:Gaya-gaya ka.
Tindera:Aq?
Vice:Hnd, ung pepsi.

Thursday, July 7, 2011

Ang larong nag patayo ng pubic hair ko;

title pa lang parang may halo ng kalaswaan no?
don't worry, hindi nmn ako pinalaking malaswa.
pinalaking bastos lang ako :)
ayaw na ayaw ko talagang mag english, piling ko may allergic ako
pag nag eenglish ako. pero
napaka bastos nmn kung sabihin kong "ANG LARONG NAG PATAYO NG BULBUL KO"
diba?
pero teka? anu nga ba itong larong to?
isa ba itong laro kung saan ang mag kopol ay nag haharutan sa isang
napakalambot na kama? 
pero kung tutuusin mas masarap sa damuhan- este :p
O yung larong madalas gawin ng kalalakihan kapag mag isa lamang sya
at nanunuod ng porno or bold magazine?
(komon na komon na e,)
Oh sige na nga,

Eto lang nmn yung laro na pag nakita mo sa una e sasabihin mo,
ang korny. kahit hindi ka mahilig mag laro?
or kung anung klase pang laro yang ginagawa mo?
tiyak pag na laro mo to, sasabihin mo sa sarili mo.
"im just a little kid". (tama ba english ko? pasensya na ha? dugong pinoy e,
kalabaw sa pag ingles)
mapapakapit ka talaga sa iyong kinauupuan dahil sa kakaibang expression sa larong ito.
kung mababaw lang ang pantog mo, malamang na ihi ka na sa iyong salawal.
ito yung larong tipong akala mo e mga grupo kayo ng kalalakihan na nanunuud ng porno
dahil sa excitement at banggis,
ang dami ko pa satsat e no? eto lang nmn yan o.

anu bang klaseng laro ang nasaisip mo nung binabasa mo to nung una?
aba aba aba, huwag ismolin ang larong ito. 
(tama ang nababasa mo sa picture, pc dvd rom)
kasama ko ang mga pinsan at kapatid ko sa pag resulba
ng puzzle sa larong iyan. Isa iyan sa mga TOP ng HORROR PUZZLE GAME.
walang duda, trulalo walang halong gagu! kinilig ang betlog ko dyan di dahil
sa kalandian or ka sweetan. Dahil na rin sa sobra sobrang takot.
kung gusto mo ng pc game na kakaiba, may halong lohika at tatayuan ka ng balahibo (bumilib ka kung BULBUL hindi balahibo),
itry mo, approve na approve sa panlasa ng pawis ng madlang pipol.

Ito lang nmn ang pinag kaabalahan ko makalipas ang ilang
araw. DALAWANG ARAW din ng matapos ko ito.
na-realize ko nga sa sarile ko,
para lang pala akong isang PANGET NA BATANG BABAENG nuknukan ng
asaran at kantsawan nung matapos ko yang larong yan.
hindi ko maimagine sa sarili ko, kinabog ako sa takot ng larong iyan,
AT- may malaking epekto. Dahil na rin sa tindi ng effects na mala realistic
ang dating. pag nakikita ko ang mga bagay na 
may kunekto sa larong yan hindi ka maiwasang mahilo,.
bakit? itry mo na lang. :)

MAY SIKRETO AKO-

hindi ko alam kung saan ako nag su-susuot itong araw lang,
dalawang beses nmn akong maligo sa isang araw.
madalas akong gumagamit ng SAFEGUARD.
malinis nmn akong tignan.
sa kutis kong mala john loyd ang dating?
taob lahat ng mga bading!
malinis nmn ang hinihigaan ko,
dalawang beses sa isang araw din ako kung mag palit ng underwear kong kinakain
ng pwet ko ang tela kaya't nagka butas-butas na.
bukod sa mga pinagkakain ko nitong araw? 
hindi healthy,
kaya nga may sikreto ako e,
"MAY PIGSA AKO SA PWET!"

yuck :(

naalala ko, naupo pala ako duon sa school kung
saan ang upaan ay hindi maipinta.
ni hindi mo masabi kung upuan ba iyun o hindi?
yun siguro ang salarin sa ma ala anne curtis kong
pwet.

gusto ko man sabihing "para lang nmn itong taghiyawat"
pero hindi parin maitatago sa mga isip ng tao na
"taghiyawat e, bakit, mukha ba yang pwet mo?"
syempre hindi ko rin maiiwasang sumagot
ng matindi.
"oo mukha tong pwet ko! bakit? mukha mo tong pwet ko!
ayan o magkamukha kayo, kitang kita ang ibedensya. mula
ulo mukang pwet!"
HAY naku!! ang hirap umupo pag may -uhmmm-
kelan kaya ito gagaling?